其他語言內容 > 他加祿語
Tungkol sa "iAM Smart"
Ang "iAM Smart" mobile app ay nagbibigay ng one-stop na pinasadyang mga digital na serbisyong plataporma, na nagpapahintulot sa mga gumagamit na mag-log in at gumamit ng mga online na serbisyo gamit ang kanilang personal na mobile phone sa isang matalino at maginhawang paraan.
Ang mga user ng "iAM Smart" ay maaaring magsagawa ng mga pagpapatunay, digital na paglagda (authentication, digital signing) at "e-ME" form-filling na paggana sa pamamagitan ng "iAM Smart" mobile app o website services upang madaling makapag-log in ang mga gumagamit at magamit ang mga online na serbisyong may "iAM Smart". Bukod pa rito, maaaring mag-set up ang mga gumagamit ng "iAM Smart" ng mga serbisyo ng Personal na Katulong (Personal Assistant) para sa pagtanggap ng mga update sa serbisyo ng gobyerno gamit ang "iAM Smart" mobile app.
Lahat ng residente ng Hong Kong na may Hong Kong Identity Card (HKIC) at may edad 11 pataas ay maaaring magparehistro para sa "iAM Smart". Para sa mga residenteng may edad 11 hanggang 17, ang pagpaparehistro ay kailangang isagawa nang may pahintulot ng magulang o tagapag-alaga.
(Paalala: Kung ang mga residente ay magparehistro sa pamamagitan ng "iAM Smart" Mobile App o self-registration kiosk, ang mga magulang/tagapag-alaga na pumapayag ay dapat na mga Gumagamit ng "iAM Smart".)
- Maaaring gamitin ng mga residente ang biometric o PIN authentication upang magsagawa ng mga online na serbisyo gamit ang iisang pagkakakilanlan.
- Hindi na kailangang tandaan ang iba't ibang pangalan ng account at password.
- Step-up na Pagpapatotoo (Step-up Authentication) (aaangkop lamang para sa rehistradong "iAM Smart+" account) Maaaring gamitin ng mga residente ang facial identification at/o kunin ang data na nakaimbak sa ID card sa pamamagitan ng near field communication (NFC) na paggana, at magsagawa ng step-up na pagpapatotoo (step-up authentication) para mapatunayan ang pagkakakilanlan ng user.
- Ito ay isang gawain ng awtomatikong pagpuno ng form.
- Ang impormasyon ng account at ang personal na data na kusang ibinigay sa profile na "e-ME" ay maaaring gamitin para sa pagpuno ng mga online form.
- Hindi na kailangang punan ang parehong personal na detalye at paulit-ulit na i-upload ang patunay ng address.
Maaaring ma-access ng user ang iyong personal na pakikitungo sa mga nagbibigay ng datos sa isang pinag-isang interface, kabilang ang:
- Pinasadyang Abiso (Personalised Notification);
- Digital na dokumento (Digital document);
- Impormasyon sa pagsingil at balanse (Billing and balance information);
- Listahan ng mga gawap gawin at; (To-do list; and)
- Katayuan ng aplikasyon (Application status).
- Naaangkop lamang para sa rehistradong "iAM Smart+" account
- Ang pagganang digital na paglagda (digital signing) ay nilaan sa ilalim ng Electronic Transactions Ordinance (Cap. 553). Ang user ng "iAM Smart+" account ay maaaring gumamit ng
- iAM Smart-Cert para magsagawa ng digital na paglagda (digital signing) na paggana, na may legal na suporta para sa pamamahala ng mga naaayon sa batas na dokumento at pamamaraan.
"iAM Smart" na Pagpaparehistro
- Maaaring i-download at i-install ng mga residente ang "iAM Smart" mobile app at magparehistro para sa "iAM Smart+" online nang malayuan.
- Maaaring bisitahin ng mga residente ang mga self-registration kiosk o counter ng serbisyong pagpaparehistro sa iba't ibang distrito para sa pagpaparehistro ng "iAM Smart+". Mag-aayos din ang gobyerno ng mga pangkat ng mobile na pagpaparehistri sa mga lugar na may mataas na pagtangkilik, tulad ng mga shopping mall at mga gusali ng gobyerno, upang tulungan ang mga nangangailangan (tulad ng mga matatanda) na magparehistro.
Mga Lugar ng Pagpaparehistro
(Sa kasalukuyan ay makukuha Lamang sa Ingles at Tsino)
Ang "iAM Smart" account ay may dalawang bersyon, ang "iAM Smart" at "iAM Smart+". Ang "iAM Smart" ay nagbibigay ng pangkalahatang na pagpapatotoo (authentication) ng pagkakakilanlan, pagpuno ng form na "e-ME" at Personal na Katulong (Personal Assistant), habang ang "iAM Smart +" ay nagbibigay din ng mga gawain ng digital na paglagda (digital signing) at step-up na pagpapatotoo (step-up authentication). Maaaring magparehistro ang mga residente para sa "iAM Smart" sa pamamagitan ng mga sumusunod na channel:
- Ang residenteng may smart card ng pagkakakilanlan (smart identity card) ay maaaring gumamit ng kanyang personal na cellphone na may pagganang NFC (Near Field Communication) para sa malayuang pagpaparehistro ng "iAM Smart+" sa pamamagitan ng pinakabagong bersyon ng "iAM Smart" na mobile app. Sa pamamagitan ng pagkuha ng litrato ng Hong Kong Identity Card (HKIC), pagkuha ng data na nakaimbak sa HKIC sa pamamagitan ng NFC at isang selfie, ang buong proseso ay maaaring makumpleto online gamit ang isang cellphone;
- Personal na pagrehistro sa "iAM Smart" na sariling pagpaparehistrong kiosk sa mga tinukoy na lugar ng gobyerno at mga pampublikong lokasyon. Kukunin ng system ang data na nakaimbak sa Hong Kong Identity Card (HKIC) at kinakailangan ang isang selfie; o
- Personal na pagpaparehistro sa pamamagitan ng mga counter ng serbisyo ng pagpaparehistro na "iAM Smart" o mga mobile na pangkat ng pagpaparehistro na "iAM Smart". Susuriin at beberipikahin ng mga kawani ang Hong Kong Identity Card (HKIC) ng aplikante. Hindi kinakailangan ang pagkuha ng litrato ng HKIC o selfie sa proseso.
Mga Lugar ng Pagpaparehistro
(Sa kasalukuyan ay makukuha Lamang sa Ingles at Tsino)
Pangseguridad at Pagkapribado
Sa proseso ng pagbuo ng platapormang "iAM Smart", ang Digital Policy Office (DPO) ay mahigpit na sumusunod sa mga patakaran at alituntunin ng gobyerno sa seguridad ng teknolohiya ng impormasyon pati na rin sa Personal Data (Privacy) Ordinance.
Mga Detalyadong Paglalarawan
Tungkol sa pamamahala ng kontratista:
- Sa panahon ng pagbuo at suporta sa pagpapanatili ng sistema, ang mga kontratista ay maaari lamang gumamit ng datos ng pagsubok at magtrabaho sa kapaligiran ng pagbuo at pagsubok. Kaya naman, wala silang access sa personal na datos ng sinumang residente.
- Magtatatag din ang DPO ng mekanismo ng pagkontrol at pagsubaybay sa pag-access para sa mga kawani ng DPO na kailangang mag-access sa personal na datos.
Tungkol sa pamamahala ng sistema:
- Titiyakin ng DPO na ang pangunahing datos (kabilang ang personal na datos ng mga gumagamit) sa sistemang "iAM Smart" ay naka-encrypt gamit ang umiiral na internasyonal na kinikilalang Pamantayan sa Advanced na Pag-encrypt (Advanced Encryption Standard) at nakaimbak sa data center ng gobyerno.
- Upang sumunod sa mga pamantayan ng pag-encrypt ng industriya, gagamitin din ang Transport Layer Security upang i-encrypt ang datos upang matiyak ang seguridad at integridad ng datos habang nagpapadala sa internet.
Tungkol sa mga pamantayan sa seguridad at proteksyon sa pagkapribado:
- Ang mga larawan ng HKIC na ibinigay at mga selfie na kinunan ng mga residente habang nagpaparehistro para sa "iAM Smart" o "iAM Smart+" gamit ang cell phone o kiost para sa sariling pagpaparehistro ay agad na buburahin pagkatapos mapatunayan ang pagkakakilanlan ng gumagamit.
- Ang iba pang personal na impormasyon na ibinigay habang nagpaparehistro ay gagamitin lamang para sa pamamahala ng account na "iAM Smart" o "iAM Smart+". Ang data ng user ay ie-encrypt at itatago sa data center ng gobyerno.
- Ang mga serbisyong "iAM Smart" ay ginawaran ng mga sertipikasyon ng internasyonal na pamantayan ng ISO/IEC 27001 at ISO/IEC 27701, na tinitiyak na ang DPO ay bumuo at nagpatupad ng mga komprehensibong hakbang sa seguridad ng impormasyon at pamamahala ng pagkapribado. Ang mga hakbang na ito ay naglalayong pamahalaan at protektahan ang impormasyon at pagkapribado ng user. Ang mga pinagsamang proseso ng pamamahala ay pinagtibay upang matiyak na ang mga naaangkop na hakbang ay nakalagay upang matugunan ang mga kinakailangan sa sertipikasyon sa isang patuloy na paraan
Binabalaan ng Digital Policy Office (DPO) ang publiko tungkol sa mga sumusunod na mapanlinlang na website, na naglalayong linlangin ang mga mamamayan na ibigay ang kanilang personal na impormasyon.
- lamsmart-services[.]run/
- iamsmart-hk[.]run/
- iamsmart-services[.]info
- iamsmart-services[.]icu
- iamsmarts-service[.]info
(Na-update noong ika-8 ng Setyembre 2025, sa baligtad na kronolohikal na pagkakasunod-sunod)
Binigyang-diin ng DPO na ang mga mapanlinlang na website ay walang kaugnayan sa "iAM Smart". Dapat manatiling alerto ang publiko kapag nakatanggap ng anumang hindi nakikilalang email o mensahe at hindi dapat bumisita sa anumang kahina-hinalang website at magbunyag ng anumang personal na impormasyon. Para sa mga katanungan tungkol sa "iAM Smart", mangyaring tumawag sa hotline sa 182 123 o mag-email sa enquiry@iamsmart.gov.hk.
Kung sakaling magkaroon ng anumang pagkakaiba, ang bersiyong Ingles ang siyang mangingibabaw.